kakagising ko lang. kaninang mga 2 pm ako nakatulog. SARAP!!! kasi naman aga ng klase namin kanina.=( ayos naman yung skills lab namin at next week may return demo na kami ng leopold's maneuver at immediate care to newborn (yung mga cord care, vit.k administration, bibihisan kuno yung baby, mga ganun!). haaayyyy. ang dami dami nung procedures at may rationale rin kailangan gaya sa FEU. kala ko pa naman after PHC (Primary Health Care) eh lulubayan nako ng mga return demo. boohoo.
bad trip yung ethics prof namin. kasi naman, una na nga hindi niya makita yung quiz namin, tas ngayon yung prelim exam namin na misplace niya at ang masama pa ron eh hindi niya pa nare-record! kasi sa conflict room kami nag exam, meaning hindi namin kasama yung section namin nag exam. sabi samin nung prof na nag handle nung mga answer sheets na galing sa conflict room eh naibigay niya na raw kay prof namin yung exam namin at nakita niya raw na kung saan lang raw bundle ng answer sheets sinuksok ng prof namin yung answer sheet namin. PUCHA. buti nalang at may kopya yung prof na nagha-handle ng answer sheets ng mga names nang nag exam don sa conflict room. nakaka imbyerna talaga yung prof naming yun. ngarrr.
teka...ANO PINAGKAIBA NG BLOGGER NA BETA SA BLOGGER NA GOOGLE ACCOUNT NA ANG PINANGLO-LOG IN?
|
dahil di kita nasagot kagabi, i think mas maganda na ung "backroom" ng google na bago kaysa sa luma. mas madali na kasi akong nau-upload na photos unlike back then.. (i think)
un lang. "ateeeeeeee."