#navbar-iframe { display: none;} 2 years and Still Blogging...: Misadventures
 

2 years and Still Blogging...

March 2, 2007
Misadventures
at long, long, long last...nakapag blog din! sobrang busy as in BUSY talaga these past few weeks.

masaya yung duty sa Pampanga dahil naka bonding ko yung mga classmate ko. nag ambagan pa kami para makabili ng TV, dahil bubula ang bibig mo dun sa boredom. buong klase namin nagkaroon ng case. unfortunately, yung group pala namin ang na-dissolve (meaning kami ang hiniwalay at hinati sa 3 groups), dahil last group na nga kami eh kami pa pinaka onti. nung unang shift nga namin (3 pm-11 pm) 3 agad ang nangnanak. ayos nga eh. ako isang delivery assisted na case at isang minor case, tas binigyan kami don ng 3 free cases. 1 minor, 2 sa delivery. yung minor case ko eh medico legal, na "trobol" yung pasyente, mga 2 am yun eh, as in punit na ang tenga. mas madali na nga ang pag punit kesa pag tahi pa don eh, pero syempre tinahi, dahil kung hindi tinahi yun eh wala akong case. nakakawindang ang graveyard shift (1 am-8 am) sobrang nakakaantok. naalala ko pa nakatulog ako habang nag le-lecture ng 3 am yung CI namin. bukod sa pagpapaanak, eh rounds galore kami sa mga ward dun. nung nagsimba kami nung mga blockmates ko dun, kapampangan pati ultimo mga kanta, kaya syempre hindi namin naintindihan at hindi kami nakakarelate sa kanila non.hehe. marami ring chika chika na nangyari don at nagkakitaan na rin ng totoong attitude. may maganda at syempre may pangit. hehe. yun yon eh. THANK GOD NA SURVIVE KO ANG FIRST EVER WEEK LONG KO PAGKAKAWALAY SA BAHAY. pero sobra ko talagang na miss tong bahay namin nung nandon ako at syempre na homesick ako nung unang gabi ko, yun ang pinaka crucial nung nasa pampanga ako, yung unang gabi. dahil hindi ko kasama sina mama, papa at ate ko.




'AMANG' naman. naku. toxic na toxic kami don nung tuesday. dahil in-orient muna kami last monday, tas pina interview lang yung patient na in-assign samin at pinagawa kami ng care plan. yung tuesday, binigay na samin yung mga chart at pinag chart na kami don sa nurse's remarks, syempre first time naming mag duty sa OB, kaya dinugo talaga kami. dahil every detail tinitignan talaga nung CI namin kung ano yung susulat mo dun sa chart. buti pa mag plot ng TPR (temperature, pulse rate, respiratory rate) at mag monitor ng vital signs eh sobrang dali. nung mga sumunod na araw, eh hindi na kami masyadong nahirapan mag chart. ang ginawa ko dun pa bukod sa pag chart eh, nag tangal ng IV sa una kong naging patient. aga kaming pinauwi kahapon at ngayon, dapat kasi til 2 pm, eh 12 pm palang pinauwi na kami kahapon tas kanina mga 10:30 am pinauwi na kami, siguro kasi tapos na kaming mag chart. wala pala kaming in-attendan na make up class namin sa mga NCM subjetcs namin. gagago eh noh. sobrang na drain na kasi energy namin sa duty kaya tinamad na kaming um-attend ng klase. nag make up quiz kami sa pharma namin last wednesday, leche, wala akong alam. dahil nangangapa ako sa dilim sa pag re-review dun, dahil wala naman kami nung nag lecture, kaya di namin alam kung ano in-emphasize nung prof namin. hmph.
posted by Kristel @ 6:21 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Nakakabaliw. Nakakaaliw.
About Me

Name: Kristel
Home: Novaliches, Quezon City, Philippines
About Me: i am sweet yet bitter. i am wise yet a fool. i am contended yet i still want more. i am shallow yet deep. i am THE oxymoron and i blog for the love of blogging.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Visits

free hit counter
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER