yay! nakapag blog ako. kasi wala na kaming duty. yehhooo!! pero puro exam na next week at next, next week. sa ngayon, ginagawa ko yung project namin sa health ethics na walang kamatay matayang reflection paper. hehe. ta-type ko nalang naman siya at papahabain dahil kailangan 7 pages na long bond paper pa ha. at least may guide questions naman at double space. ngeks. ang saya pala nung monday at tuesday, ang dapat practice namin sa role play para sa HB (Human Behavior) namin eh nauwi sa pagkain galore courtesy of Josh, ang nag provide ng KFC at Andok's at Rachel para sa pakikitambay namin sa bahay nila sa Lagro at kwentuhan at kulitan naman syempre. ang groupings kasi don eh yung mga ka group din sa duty kaya di na katakataka na sa ganun nauwi. at bad trip si Rigor (yung groupmate naming amerikano), dahil yung presentation ng mga role play ng lahat ng groups dapat nung tuesday, biglang pina-move niya yung presentation ng group namin next week sa prof namin dahil hindi raw siya makaka attend, kaya to make the long story short, kaming group lang ang mag ro-role play next week. hmph. sabi nga namin kami nalang mag perform tas mag intermission number nalang siya mag isa next week. hehe. pero laugh trip talaga nung tuesday yung mga role play ng blockmates ko. yung isang group lang samin ang HEAVY drama talaga. may sampalan at iyakan pa. yung sa ibang group kasi kahit may emotional at sentimental moment, eh nakakatawa. sabay ganun eh noh.
lapit na matapos ang 2nd sem. thank God. sana naman hindi masyadong mainit ang summer dahil magsu-summer classes kami.=)
ayos pala! bagong season na ang project runway at america's next top model. whoot whoot! may bago narin akong aabangan. nakaka windang ang maging sino ka man, ang HAAAAAAABAAAAAAA HAAAABAAAA na ng kwento. yung excitement level ko non para sa telenovela na yan, eh nabawasan na. kasi naman, ang daming kalandian muna ang mangyayari bago mangyari ang MANGYAYARI. napaka redundant ba.
ngayon ata pupunta kami sa bahay uli nila Rachel para gumawa naman ng project sa CM (Care Management) na due na sa monday. hehe. cram. aayusin nalang naman namin yun.
nakabili pala ako 2 weeks ago ng DVD ng super rookie. ngeeheehee. hindi ko parin napapanood dahil sa dami ng ginagawa.
under construction pala ang template ng blog ko ngayon dahil nalechehan yung code ng blog title dun sa joo ji hoon template ko. kinabit ko na uli ayaw parin lumabas kaya pag nagka oras ako, dun ko ire-repair yun.=)
|
ate, nakakatakot ba magduty? 1week pala kayo sa pampanga. waa ganun ba talaga?? pag 3rd yr. 1st sem. ba may duty na agad sa hospital?? thanks po!