Nyay! nakapag post din! higit 'sang buwan din ako di nakapag blog pala ano. Thank God pasado ako sa lahat ng subjects ko! NCM 102 here I come! hehe...kaso lang yung isa kong groupmate slash friend bumagsak. sayang nga eh, plano na kasi namin na sabay sabay kami mag e-enroll next sem para kami parin magkaka grupo. hay...=(
Nakapag enroll narin kami for summer at start na ng classes namin bukas. 7:30 am hanggang 11:30 am lang classes namin, monday to friday. at buti nalang blockmates ko yung friends ko sa lahat ng subjects at yung iba naming blockmates last sem sa NRES.
Aliw na aliw ako sa F.R.I.E.N.D.S...hindi naman masayadong DVD marathon compared sa princess hours, at speaking of princess hours, sobrang nakaka bobo to the highest level ang royal special. ugh. Gusto ko ng DVD ng Simpsons at American Dad.
Kahapon nag swimming kami sa Club Manila East sa Taytay. saya nung waves, kaso sobrang sumakit katawan ko kahapon, as in. tulog galore lang ako pagdating dito sa bahay.
Ni reformat na itong pc namin, dahil sa lintik na trojan virus na yon. pati mp3 player namin ng ate ko eh kailangan i-format. buti yung akin nalagay ko na lahat ng kanta uli.
Nung friday pala, nagkita kita kami uli ng mga kaibigan ko nung highschool. after almost 3 years, eh nagbonding uli kami. yung isa kong friend, hindi nakasama samin sa SM kaya sinorpresa namin siya at pumunta nalang kami sa kanila at nagkwentuhan galore. and I'm thankful na itsura lang nila ang nagbago at they're still ang mga taong nakahalubilo ko nung highschool.
VIDEOKE. na enganyo ako diyan dahil saking mga ka grupo sa duty. sobra. gusto ko tuloy magwala uli. hehe. addict nga ako kasi tuesday, nag videoke kami nung mga friends ko sa Fatima tas friday naman kasama yung mga highschool friends ko. teehee. and speaking of friends sa Fatima, before mag end ATA ang April eh magBa-Batangas kami! yeehaw! excited. nako sana naman wag mausog.=)
|
ma'am i have a question?
anong tawag sa taong nanakawan?
ano?
baka nalimutan lang kung saan nailagay ang gamit...o kaya maliit na karma o kaya bad thoughts
eh ano naman ang tawag sa nanakawan ng pangalawang beses?
ahh ehh mas malaking karma?
eh ano naman pag pangatlo,panga--?
ehh magising ka na!!