kahapon kagagaling ko lang ng Laguna! haha! todo drama pako dito na hindi makakasama yun naman pala eh sasama din. well, ako ang living proof na "pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan". sa may Calamba kami nag swimming. (^_^) sobrang saya ng swimming namin kahit 6 lang kami. ako, si tin, rachel, cess, kuya arnel at glenn (mga kasama ko ding nagvi-videoke). as in. pinaka onting swimming trip na nasamahan ko. kwentuhan, barahan at tawanan galore kami don. di ko kayang isa isahin ang mga kasiyahan at wala talagang tulugan AGAIN. buti ngayon at nakapag recharge nako ng todo, nakapag siesta na ako nung hapon pag uwi ko tas 10 oras pa tulog ko kagabi. yun yun eh. thank God at nag enjoy ako sa mini outing namin. hehe. sabi ko nga tamang tamang desisyon yung pagsama ko eh, di ko na ma imagine ang regret ng hindi pagsama. sa sunday, aalis namin na naman ako, sasama ako sa ate ko sa Cagayan!!! yeah!!! 2 days, 1 night din. sulit na sulit ang bakasyon ko.
ngayon suppose to be release ang grades for summer, eh maho-hold naman yung NRES grade namin at tsaka hindi naman mga pre-requisite subjects yun kaya kahit sa pasukan ko na balikan sa Lagro yun.
grabe...bilis ng panahon, June na bukas. June 13 balik Regalado na kami. no worries dahil kasama ko padin mga friends ko.
|