#navbar-iframe { display: none;} 2 years and Still Blogging...
 

2 years and Still Blogging...

August 6, 2007
Pagpayat, Duty at Iba Pa
wala lang! yung nasa kaliwa pic ko last sem! yung nasa kanan ang recent pic ko! yeah! pumayat ako diba! proof lang!

hay grabe duty namin nung thurday! toxic dahil super nagalit CI namin. kapagod talaga kanina, pero at least dami ako natutunan talaga, yun nga lang nagalit talaga CI namin. wala na din kaming case presentation dahil gahol na sa oras, mas maganda na pahawakin niya nalang kami ng patient isa isa, ang ginawa namin, nag prepare at administer ng medicines, nag vital signs, nag plot sa chart at nag endorse nung patient assigned samin sa nurse in charge. pinasa lang yung case study, tsaka nag post test nadin kami nang pagkanda hirap ng around 3 am ata. right minus wrong at NCP na na lintikan talaga kami. nag make-up duty din kami last saturday kasi nga diba alang pasok nung friday? so yun. hinati kami sa make up duty, kasi sinabay niya lang kami sa ibang group na hawak niya. yung other half, sa thursday pa. nakakatawa pa nga eh, birthday nung isa kong groupmate at nung CI namin nung sunday, eh graveyard shift kami kaya kami ang kasama ng birthday celebrants ng pumatak ang alas dose. sobrang nice nga ng CI namin kasi nagpakain pa siya samin. ang ginawa ko nung shift namin nag bigay lang ng meds., as usual. tsaka vital signs. walang kamatayan. mga 5 am pinauwi na kami, tas dumeresto na ko magsimba ng 7 am. nung medyo matatapos na yung misa, super hilo na ko sa antok, pero naintindihan ko pa yung gospel. kaya simula 9 am hanggang 5 pm nung sunday, tulog lang ako. napagod. yun. dyan nagtapos ang 2nd rotation namin. at thank God, wala kaming duty ngayong week, kaya bakasyon grande ako simula thursday hanggang sunday.

kanina, super inaantok na ko nung MS namin! as in bumabagsak na mata ko! buti nga nung nag break eh nagising ang diwa ko salamat sa siomai at sprite light na merienda.

posted by Kristel @ 9:06 PM   0 comments
August 2, 2007
Sapang Palay V.2
wow! tagal ko din palang di nag update, anyhoos, nag duty na kami last thursday sa surgery ward, sa hospital-to-be sapang palay! haay! na late pa nga kami ng dating, pero duti nahuli din ng dating yung CI namin. nice naman at may pagkakulit si CI, pero may pagka strikto din. bawal humikab, kundi punta daw sa morgue. eh tamang tama nung shift namin, may 3 namatay. orientation at 2 test agad ang buena mano, lagapak ang mga nakuha naming score. tsaka binigay yung patient para sa case presentation namin, which is mamaya na pala. thank God, at ana-physio lang ng brain sakin. masaya din yung shift namin non, dahil kumpleto din kaming nag duty. ang kulit nga nung isang ka group namin, daming joke! katatawanan nga yun eh. nung tumitirik na yung araw, dun nako sobrang inantok na. kaya nung pinauwi na kami ng around 6 am, nung sumakay na kami sa bus, sa 45 mins siguro naming byahe, 30 mins. tulog ako. hilong hilo ako sa antok. mamaya duty na talaga kami, as in magro-rounds na kami sa mga ward. nung friday pala last week, di kami pinag duty, kaya todo tulog ang kagandahan ko.

grabe! di ko kinakaya ang takbo ng araw! august na! ambilis! mag bi-birthday na si mama sa 20!
wala namang gano nangyayari sa school, ganun padin, lecture lecture! as usual, bored to death parin kami sa MS! buti nalang talaga cuteness si sir! pero masaya naman all-in-all sa school.

wala pasok bukas ang HS at college dahil sa proclamation ni PGMA! para mag register sa SK elections. as if naman. sana wala kaming duty. pero parang duda ako na wala kaming duty. kasi lahat kami above 18 na eh.
posted by Kristel @ 11:11 AM   0 comments
July 23, 2007
Karambola
wooooh!!! thank GOD! pasado ako sa MS! yahoo! 78 out of 130 items passing, 79 ako! haha! my goodness! yung OB din pasado me! yebah! 80/120 grade ko. hay. thank you God talaga. OR at CCM nalang di ko alam grade ko.

kanina ang kulit nung nagte-text twist kami sa cp ni tin nila kuya arnel at cess habang inaantay prof namin sa MS! ang ingay ingay namin! ang mechanics lang eh unahan maka figure nung longest word! ang saya lang.

yung last 2 days namin sa 1st rotation duty sa sapang palay, ok naman. may nataga sa ulo nung friday, medico-legal, kay rachel yung case, madami dami din kaming ginawa, which is good naman, first time kong makapag snip snip ng buhok! tas may evaluative exam kami, drug computation as usual, pare pareho kaming 70/100. go figure kung nag kopyahan ba kami. di naman sayang (for me) yung duty namin sa ER, sana lang pag nag surgery ward na kami don, may gawin parin.

"charing, nailad ko sa buing, charing, kasakit sa kasing kasing!"
LSS? feeling bisaya!

pero favorite song of the moment ko ay Rebound (Silent Sanctuary) at Pilit (Hilera)!
posted by Kristel @ 6:10 PM   2 comments
July 18, 2007
Prelims
thank God! tapos na prelims namin! ngayon lang ako naka bawi ng tulog! mula sabado hanggang monday, kulang kulang ako sa tulog. out of 4 subjects, 2 ang mahirap. haaay. sana pumasa kaming lahat, lalo na sa MS. sheesh. nung monday nga, 8 hours break namin, di nako umuwi, tumambay nalang kami kina rachel, tas kahapon naman, nung 5 hours break, nasa BK lang kami sa SM. dun kami nag review ng OR.

bukas at sa friday na ang last duty namin para sa 1st rotation. next week,2nd rotation na at olats pala ng 2nd rotation namin! dun padin kasi sa sapang palay, yun nga lang sa surgery ward naman kami. at kamusta ang graveyard shift! 7 pm-7 am...kawawa ang body clock ko neto. at least ngayon magkakasama na kaming buong grupo sa shift.

after exam kahapon, nag videoke kami. stress reliever. hehe. wala lang si tin, dahil masama ang pakiramdam. grabe! sumakit lalamunan ko.
posted by Kristel @ 11:49 AM   0 comments
July 13, 2007
DUTY lang!
thank goodness pahinga ako ngayon. at yes, nag duty na kami nung thursday at kahapon. diba dapat 3 pm-11 pm kami, in-adjust na sched namin to 7am-3 pm dahil super delikado dun sa sapang palay pag pumatak ang dilim. wow! wala ako nasabi sa byahe! super layo! nakakapagod to the -nth level. at ang putik putik, eh naka all white kami! olats! hehe! byahe nga nakakapagod compared dun sa duty namin mismo. at elementary school-turned-hospital ang ospital! hehe! as in! yung mga ward classroom ang itsura talaga at may flag pole! hehe! wala naman kami ginagawang kagila-gilalas masyado. pero at least may mga pasyente naman, ako ang ginawa ko lang BP, temp, sulat sa opd record at nag observe. kinabahan ako to the -nth level dun sa pag BP, eh kasi nung dumating yung patient, nanginginig na dahil mataas BP niya, edi ako nag BP, 170/90 ang admitting BP niya, nilagyan siya ng oxygen at pinainom ng gamot, tas nung ok ok na sya after a few minutes, nag BP ulit ako, 110/70 na, ang nasabi ko pa nga sa CI namin 100/70 sa, nalimutan ko agad na 110 pala ang systolic! edi nung sinabi ko sa CI namin, dudang duda! ang bilis daw masyado bumaba! dapat yung groupmate ko na mag BP ulit, pero siya na daw BP ulit dahil nga kataka taka daw. shitness! pero lam ko naman na tama yung nakuha ko! eh yung reaksyon kasi niya parang maling mali talaga ang nagawa ko. at thank God, parehas yung kuha namin. yun pala nag take effect na pala agad yung medications, after mga 30 mins. kasi daw, eh 40 mins. na ata nakalipas nung uminom siya ng gamot nung nag BP ako ulit.katawa! pinagdudahan BP ability ko.

prelims na namin sa monday at tuesday. buena mano ang MS. at ang break namin sa monday? 8 hours lang naman. baldog ng sched. tas sa tueday, 5 hours naman. ang gago. pero at least hindi nag conflict ang sched ng exams namin sa duty namin. haaay.
posted by Kristel @ 8:04 PM   0 comments
Nakakabaliw. Nakakaaliw.
About Me

Name: Kristel
Home: Novaliches, Quezon City, Philippines
About Me: i am sweet yet bitter. i am wise yet a fool. i am contended yet i still want more. i am shallow yet deep. i am THE oxymoron and i blog for the love of blogging.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Visits

free hit counter
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER